Ang YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) ay ang pangunahing programa ng PhilHealth para sa kalusugan.
May mga libreng serbisyo na matatanggap ang mga PhilHealth members sa accredited clinics!
Ano ang kasama sa PhilHealth YAKAP?
- KONSULTA — Libreng pag-konsulta
- GAMOT — 21 na libreng gamot, at karagdagang tulong hanggang Php 20,000/taon sa gamot na hindi kasama sa 21
- LABORATORYO — Libreng lab tests (CBC, urinalysis, blood sugar, atbp)
- SCREEN — Libreng cancer screening (breast, cervical, prostate, colon, liver, and lung)
Basahin: Ano ang kasama sa YAKAP package? →
Paano Magparehistro
- Siguraduhing ikaw ay active PhilHealth member (o dependent — hal. asawa, anak, o magulang).
- Magparehistro sa YAKAP-accredited clinic. Pumili ng YAKAP clinic na malapit sa PhilHealth member portal o sa eGov Super App.
- Pumunta sa YAKAP clinic — ito ang tinatawag na pag-"empanel" — dito gagawin ang unang check up.
- Ok na! Pwede ka nang pumunta sa piniling YAKAP clinic para magpa-check up, kumuha ng gamot, at lab test — na kasama sa listahan.
I-share!
Dapat malaman ng mga PhilHealth members kung ano ang kasama sa membership na binabayaran nila. I-share ito sa magulang, kapatid, o kaibigan!