Php 1,700 ang bayad sa YAKAP clinic kada pasyente, pero makukuha lang nila ang buong halaga kung nasundan ang patakaran ng PhilHealth.
Dito madalas nakakaltasan ang mga clinic.
Ang Php 1,700 kada pasyente ay nakahati sa:
- Payment 1 (kada buwan): 40% – first patient encounter
- Payment 2 (kada taon): 60% – base sa Performance Factor
Source: PhilHealth Circular 2024-0013 Annex I
Payment 1: First Patient Encounter (40%)
Sa bawat First Patient Encounter (FPE), nababayaran ang clinic ng Php 680. Kasama sa FPE ang baseline screening na may kasamang vitals, medical history, at NCD risk.
Halimbawa: Nung Marso, may 100 na FPE ang clinic. Makakatanggap sila ng Php 680 x 100 pasyente = Php 68,000.
Bayad 2: Performance Based (60%)
Bawat taon, binibilang ng PhilHealth ang Performance Factor (score mula 0-100%) — na imu-multiply sa Php 1,020 x bilang ng FPE.
Halimbawa: Kung may 500 FPE ang clinic:
Pag 100% Performance Factor, ang bayad sa clinic ay: Php 1,020 x 500 pasyente x 100% = Php 510,000
Pag 60% Performance Factor, ang bayad nila ay: Php 1,020 x 500 pasyente x 60% = Php 306,000
Ibig sabihin, nakaltasan ng Php 204,000 ang clinic dahil sa performance factor. Dito nalulugi ang maraming clinic!
Paano Binibilang ang Performance Factor?
Ang Performance Factor ay may apat na bahagi:
- % ng pasyente na may konsultasyon (30%, target: 100%)
- % ng pasyente na nagawan ng lab exam (30%, target: 50%)
- % ng pasyente na nabigyan ng antibiotic (10%, target: 15%)
- % ng pasyente na nabigyan ng NCD medicine (30%, target: 20%)
Ano ang Target?
Para matanggap ang buong %, kailangang maabot ang target %.
Halimbawa: Upang makuha ang 30% para sa paggamit sa laboratoryo, dapat 50% (o higit) ng pasyente ay nakatanggap ng lab service. Kung hindi umabot sa 50% ng lab service, mababawasan ang 30% na score.
Halimbawa: Kung 25% lang ng pasyente ang may lab service, 30% x (25% / 50%) = 15% ang score na matatanggap.
At kung 500 ang pasyente ng clinic: - Kung naabot ang 50% target: Php 1,020 x 500 pasyente x 30% x (50%/50%) = Php 153,000 - Hindi naabot ang 50% target (e.g. 25% lang): Php 1,020 x 500 pasyente x 30% x (25%/50%) = Php 76,500
Paano Makakatulong ang RecordKo
Upang umakyat ang performance factor, kailangang alamin ng clinic kung sino ang mga pasyenteng hindi pa nakatanggap ng serbisyo (hal. konsultasyon, serbisyo sa laboratoryo, antibiotics, gamot para sa NCD).
Dito pumapasok ang RecordKo: pinapakita ng aming Finance & Performance dashboard kung sino ang mga pasyenteng hindi pa nakakatanggap ng mga serbisyo.
Pwede silang tawagan ng clinic para mabigyan ng consultation, gamot, at lab service — na dadagdag sa performance factor ng clinic.
Meron Pa!
Pinapakita rin ng aming dashboard kung sino ang hindi pa nagawan ng FPE (Tranche 1 — 40%), at anong % ng barangay ang hindi nakarehistro sa clinic, na pwede pang idagdag sa clinic.
Kung gusto niyong makita kung paano namin tinutulungan ang mga clinic na i-track ang kanilang performance, mag-book ng demo rito!